Women’s Travelling Journal: Tinig ng kababaihang magbubukid sa Asya

Ang UMA | Enero-Hunyo 2015

ISA SI FLORIDA “KA PONG” SIBAYAN, TAGAPANGULO NG AMBALA, sa limampung (50) kababaihang magbubukid mula sa anim (6) na bansang Asyano – Pilipinas, Indonesia, Nepal, Bang­ladesh, India at Pakistan – na nag-ambag ng akdang talaarawan sa Women’s Travelling Journal (WTJ) tungkol sa food sovereign­ty, isang proyekto ng Asian Rural Women’s Coalition (ARWC), Pesticide Action Network Asia and the Pacific (PAN-AP), at East Asia GROW Campaign ng Oxfam.

Ang paglulunsad ng WTJ ay naganap noong Marso 8 sa Dhaka, Bangladesh, kasabay ng Pandaigdigang Araw ng Kaba­baihan.

Sa WTJ ay ibinahagi ni Ka Pong ang karanasan sa buhay at kamatayang pakikibaka ng kababaihang magbubukid sa Hacienda Luisita — mula sa pagtatrabaho bilang manggaga­wang-bukid sa murang edad, paglahok sa welgang bayan, ang kasalukuyang pekeng pamamahagi ng lupa at pagbubuldoser ng mga pananim sa ilalim ni Aquino at ang patuloy na kampanya ng mga magbubukid para sa kolektibong paglilinang ng lupa at bungkalan.

Isa si Ka Pong sa mga sugatang nakalitas sa malagim na Hacienda Luisita masaker noong 2004.

Ang tinig ni Ka Pong at iba pang kababaihang magbubukid sa Asya ay mababasa sa kanilang mga talaarawan na nakalathala na sa www.travellingjournal.asianruralwomen.net

ANGUMAmast

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s