Tuloy ang laban! #FreeMaryJane!

Ang UMA | Enero-Hunyo 2015

mjveloso

KASAMA ANG MGA MANGGAGAWANG-BUKID NG Hacienda Luisita sa milyun-milyong mamamayan na nagbunyi nang maipatigil ang pagpataw ng parusang bitay kay Mary Jane Veloso, madaling araw ng Abril 29.

Isang buwan ang makalipas, nitong Mayo 29, muling nakiisa ang UMA at AMBALA sa paglulunsad ng Save Mary Jane Alliance at Heart of Gold campaign sa Quezon City, para ituloy ang laban ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa death row.

Si Veloso ay isang OFW na hi­natulan ng kamatayan noong 2010 dahil sa kasong pagpupuslit ng droga sa Indonesia. Si Mary Jane ay biktima ng iligal na rekruter at sindikato. Ayon sa grupong Mi­grante, nagpabaya ang pamaha­laang Aquino at hindi nagbigay ng nararapat na tulong at depensang legal para kay Mary Jane sa loob ng limang taon.

Ayon pa sa inilabas na pahayag ng UMA, nagsimula ang pagdurusa ng pamilya Veloso sa mismong ba­kuran ni Pangulong BS Aquino. Ang ama at lolo ni Mary Jane ay nagtra­baho nang matagal bilang mga manggagawang-bukid o sakada sa Hacienda Luisita. Matinding kahira­pan ang nagtulak kay Mary Jane para makipagsa­palaran sa ibang bansa.

Ang kampan­yang “Save the Life of Mary Jane” sa pangunguna ng Migrante ay nakapagpakilos ng ating mga kababayan at iba’t ibang sektor sa loob at labas ng bansa, kabilang ang mga aktibista sa Indonesia na siyang nakausap at nakapagpabago ng isip ni Pangulong Joko Widodo sa mga huling sandali bago ang nakatakdang pagbitay. Nagtrending sa buong mundo ang mga hashtag na #SaveMaryJaneVeloso at #Mary­JaneLives bunsod ng malawakang kampanya.

Kabilang ang UMA, AMBALA at ang Luisita Watch network sa iba’t ibang organisasyon na naglunsad ng suportang aktibidad kaugnay ng kampanya. Isang ecumenical service at simbolikong protesta para iligtas ang buhay ni Mary Jane ang ginanap sa kubol ng AMBALA sa Brgy. Balete noong Abril 21 sa pangunguna ni Pastor Gabby Sanchez ng UCCP.

Si Pastor Sanchez ay ama ni Juancho, isa sa mga biktima ng Hacienda Luisita masaker. Nakiisa rin si Migrante Sec. Gen. Sol Pillas sa nasabing aktibidad.

Lumahok din ang mga taga-Lu­isita sa mga martsa at vigil para kay Mary Jane na ginanap sa Tarlac City sa pangunguna ng BAYAN-Central Luzon at BAYAN-Tarlac.

Unang narinig ang taus-pusong pasasalamat ng pamilya Veloso sa lahat ng mga sumuporta sa kam­panya nang humarap sila sa libu-libong manggagagawa na lumahok sa martsa noong Mayo Uno sa Men­diola, Maynila.

Ang mga polisiya ng gobyerno gaya ng labor-export at bogus na reporma sa lupa ng CARP ang nag­tutulak sa ating mga kababayan sa kapahamakan sa ibayong-dagat.

Hindi pa tapos ang laban para palayain at ibalik sa bansa si Mary Jane!

ANGUMAmast

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s