Tagumpay ng Manggagawa sa Plantasyon ng Saging sa Timog Mindanao

Ang UMA | Enero-Hunyo 2015

piecerate_NCMBDav_KMUSMR

BALITA

NAGTALA NG MAGKASUNOD na tagumpay ang nakikibakang mga manggagawa sa mga plantasyon ng Cavendish bananas o saging na pang-eksport sa Timog Mindanao bago ang Mayo Uno ngayong taon.

Sinalubong ng protesta ang pagpapatupad ng pakyawan o 100% piece rate wage scheme na nakaapekto sa may 5,000 manggagawa sa mga plantasyon ng Sumifru sa Compostela Valley. Tinatayang 50% ang mababawas sa sahod ng mga manggagawa dahil sa sistemang pakyaw ng Sumifru, isang dambuhalang korporasyon ng prutas sa ilalim ng Sumitomo Corporation ng Japan.

Sa pamumuno ng alyansang Banana Industry Growers and Workers Against SUMIFRU (BIGWAS), napigilan ang pag­papatupad ng pakyawan at naibalik sa dating hourly rate ang sistema ng pasahod sa loob lamang ng dalawang linggo ng sunud-sunod na kilos-protesta ng mga manggagawa.

Naparalisa naman ng United Pantaron Banana Work­ers Union – Association of Democratic Labor Organizations (UPBWU-ADLO) ang operasyon ng plantasyon sa loob ng dalawang araw na welga laban sa Nader & Ebrahim S/O Has­san Philippines, Inc. (NEH) sa Pantaron, Sto. Tomas, Davao del Norte. Lumahok ang 134 manggagawa para igiit ang pag­bibigay ng overtime premium na hindi binayaran ng manage­ment mula Pebrero 28, 2014 hanggang Pebrero 28, 2015.

Ikinasa ang welga umaga ng April 17 at nagtapos sa hapon ng Abril 18 nang makipagkasundo na ang NEH sa Depart­ment of Labor and Employment at National Conciliation and Mediation Board. Isa ito sa pinakamaiikling welga na naitala sa Mindanao.

Ang mga unyon ng mga manggaga­wa sa SUMIFRU at NEH ay kaanib ng Kilusang Mayo Uno sa Southern Mind­anao Region (KMU-SMR).

“Ang mga tagumpay na ito ay magsisilbing in­spirasyon sa mga manggagawa,” ayon pa sa KMU.

ANGUMAmast

Advertisements

One thought on “Tagumpay ng Manggagawa sa Plantasyon ng Saging sa Timog Mindanao

  1. Pingback: Mensahe ng Pakikiisa ng UMA sa ika-11 Kongreso ng KMU | UMA Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s