SDO, AVA Ibasura!

Ang UMA | Enero-Hunyo 2015

ABRIL 24. Tatlong taon na mula nang magdesisyon ang Korte Suprema para sa pamamahagi ng lahat ng agrikultural na lupain sa Hacienda Luisita. Sa makasaysayang araw na ito, ipinawalang-bisa rin ng kataas-taasang ang stock distribution option o SDO, ang iskema na sistematikong nagkait ng lupa na matagal nang dapat ibalik sa mga magbubukid ng asyenda.

Tatlong taon na ang nakalipas ngunit nasa lansangan pa rin ang mga manggagawang-bukid, sumisigaw ng lupa at hustisya.

Sa Comprehensive Agrarian Re­form Program o CARP na isinabatas noong 1988, ipinangako ng pamaha­laan ni Corazon Cojuangco-Aquino ang pamamahagi ng mga lupaing saklaw ng mga asyenda at agrikorpo­rasyon. Napaso na ang CARP nitong Hunyo 30, 2014, ngunit ang malala­wak na asyenda at plantasyon ay wala pa rin sa kontrol ng mga magsasaka, manggagawang-bukid at manggagawa sa agrikultura.

Iba’t ibang iskema ang sistema­tikong ipinatupad sa ilalim ng CARP upang makaiwas ang mga panginoong maylupa (PML) sa pisikal na distri­busyon ng lupa. Ang bogus na CARP ay itinuturing na ngayong pinakama­haba, pinakamagastos at pinakama­dugong programa sa reporma sa lupa sa buong mundo.

Sa SDO na ipinatupad sa mismong bakuran ng mga Aquino-Cojuangco sa Hacienda Luisita sa Tarlac, libu-libong mangggagawang bukid ang nakaranas ng pinakamasahol na pang-aalipin bilang mga stockholder ng itinayong korporasyong Hacienda Luisita, Inc (HLI). Tahasang ipinagkait ang kanilang karapatan sa lupa habang tu­matanggap lang ng P9.50 kada sahod.

Bagamat ipinawalang-bisa na ang SDO sa HLI noong 2012, ipinapatupad pa rin ito sa 13 pang mga asyenda sa Negros, Iloilo, at Davao del Sur. Walang pinag-iba sa masahol na kala­gayan ng mga ordinaryong mangga­gawang-bukid ang katayuan ng 1,905 “benepisyaryo” sa ilalim ng mga SDO na ito. Ang dibidendo na nakukuha diumano ng mga benepisyaryo mula sa kanilang sapi ay umaabot lamang sa P340 hanggang P500 kada taon.

Samantala, patuloy ngayong itinu­tulak ng pamahalaan ni BS Aquino ang iba’t iba pang iskema sa pag-iinstitusyunalisa ng mga Agribusiness Venture Agreement (AVA).

Sa ilalim ng AVA, ang malalawak na lupaing agrikultural ay napapanatili o naibabalik sa kontrol ng mga pangi­noong maylupa habang binibigyan ng pabor ng estado ang mga pribado, dayuhan o transnasyunal na korpo­rasyon (TNC) upang mamuhunan at maging “kasosyo” ng mga tinaguriang agrarian reform beneficiary (ARB) o “benepisyaryo” ng CARP.

Kabilang sa mga anyo ng AVA ay ang joint-venture agreement, contract-growing, growership o production at marketing contract, lease at leaseback, management contract, at iskemang build-operate transfer (BOT). Dahil sa mga di-pantay na kasunduang ito na may bisa mula 5 hanggang 75 taon, ang mga AVA sa esensya ay “kontrata” sa pangangamkam ng lupa. Ayon sa konserbatibong tantya ng NEDA noong 2013, 1.2 milyong ektarya ng lupa ang nasa ilalim ng mga AVA.

Kakambal din ng AVA ang ibayong pagsasamantala sa mga mangga­gawa sa agrikultura gaya ng maba­bang pasahod kapalit ng mabigat at mapanganib na trabaho, kawalan ng benepisyo at labor-only contract­ing, kontraktwalisasyon, sistemang pakyaw o piece-rate. Sinisiil din ang karapatan sa pagsapi at pagtatayo ng mga unyon at asosasyon pabor sa mga dilawang kooperatiba at asosasyon na kontrolado o itinayo mismo ng korporasyon, TNC o PML upang ipatupad ang AVA.

Bago pa man ang desisyon ng Korte sa Hacienda Luisita, itinulak na ng mga Aquino-Cojuangco ang mala­wakang aryendo o rentahan ng lupa para mapanatili ang produksyon ng tubo. Sa Mindanao, ang mga plantas-yon ng pinya, saging, oil palm, goma at iba pa ay hawak ng mga dambu­halang agrikorporasyong TNC gaya ng Itochu, Dole, Stanfilco, Del Monte, at Sumifru. Ang mga ito ay suma­saklaw ng puu-puong libong ektarya at patuloy pang nakapagpapalawak dahil sa mga AVA.

Ang mga SDO at AVA ay naka­balangkas sa mapaminsalang mga neolilberal na patakaran ng imperya-listang globalisasyon. Dahil sa mga ito, lalong tumitindi ang pangangam­kam, pagsasamantala, at pandarahas laban sa mga mangggawang-bukid at manggagawa sa agrikultura pabor sa imperyalistang interes sa produk­syong pang-eksport, murang hilaw na materyales at murang lakas-paggawa.

Ang pagmamantini, malawakang rekonsentrasyon at ekspansyon ng mga asyenda at plantasyon na nasa kamay ng mga dambuhalang PML at TNC, sa tulong na rin ng mismong batas, mga institusyon at armadong sangay ng estado, ay malinaw na nag­papakita ng garapalang panlilinlang at pandarahas sa mga magbubukid sa ilalim ng CARP.

Ang paglaki ng bilang ng mga manggagawa sa agrikultura na nasa lugmok na kalagayan, habang duma-rami ang mga pamilyang magsasaka na naaagawan ng lupa at nagiging manggagawang-bukid na lamang, ay bunsod mismo ng papatinding atake ng mga neoliberal na patakarang ito na nagpapalalim sa krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan.

Ang kalagayang ito ay batayan para sa mas malawakang pagmumu­lat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng mga manggagawang-bukid at manggagawa sa agrikultura. Ang patuloy na pananalasa ng mga iske­mang SDO at AVA, at ang buhong na panukala para palawiging muli ang implementasyon ng huwad na CARP, ay batayan para sa mas maigting na pakikibaka para sa lupa, trabaho, sahod at karapatan — para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon!

ANGUMAmast

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s