HLMX music videos, inilunsad sa Luisita Watch Kapihan

Ang UMA  |  Enero-Hunyo 2015

music-video

NAPANOOD SA UNANG PAGKAKATAON ANG KABUUAN NG TATLONG music video na bahagi ng ika-10 taong komemorasyon ng masaker sa Hacienda Luisita (HLMX), sa ginanap na Luisita Watch ‘Kapihan’ nitong Pebrero 21, sa TaUmbayan Café, Kamuning, Quezon City.

Sinusundan ng tatlong bidyo ang kuwento ng 10-taong gulang na si “Luisa” na ginampanan ni Angela Tubiera ng Hacienda Luisita, ang pina-kabatang “tagapagsalita” ng kampanya para sa lupa at hustisya ng mga manggagawang-bukid. Gumanap naman bilang ina ni Luisa ang aktres na si Michelle Smith, na nakilala sa pelikulang indie na Angustia.

Ang mga kantang “Pagbawi” ng 5 Year Plan, “Luisita’s Cry” ng Goons N’ Guns at “Kung Puntod na ang Bukirin” ng Gazera ay tampok sa nasabing mga bidyo. Ang music videos na binuo ng Luisita Watch katuwang ang Molotov Pilipinas ay nasa direksyon ni Gerone Centeno.

Itinaon ang kapihan sa unang anibersaryo ng Luisita Watch. Binuo ang Luisita Watch noong Pebrero 2014 upang ilantad sa publiko ang tunay na sitwasyon ng mga manggagawang-bukid sa gitna ng pekeng pamamahagi ng lupa at talamak na paglabag sa karapatang-pantao sa ilalim ni Aquino.

Bahagi rin ng kapihan ang talakayan sa pangunguna ni Ka Paeng Mari­ano ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Dumalo naman ang mga kaibigan ng Luisita Watch gaya nina Anakpawis Rep. Ka Pando Hicap, mga kasama mula sa Taripnong-Cagayan Valley, Migrante, STAND-UP at Haci­enda Luisita Peasant Supporters Network.

Dumalo rin sa kapihan ang mga kaibigang artista na lumahok sa kam­panyang HLMX noong nakaraang taon gaya ni Leeroy New, at ang mga manunulat, mamama­hayag at bidyograper mula sa Kilometer 64 Poetry Collective, Kataga, Pokus Pilipinas, Tabakk, IBON Founda­tion, Tudla at Bulatlat. com.

Ang music videos ay mapapanood na sa channel ng Molotov at Luisita Watch sa You­tube. Ang iba pang mga balita at update mula sa Luisita Watch ay maaar­ing tunghayan sa blog na luisitawatch.word­press.com at sa mga ac­count nito sa Facebook, Twitter at Instagram.

ANGUMAmast

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s